Dahil nga si Singkamas ang gusto nya ay nililigawan niya ito..
Singkamas – 21 years old, male, currently in Allen Samar… at yun naman talaga ang probinsya nya though madalas itong nagstay sa manila
Maraming bagay ang common o pinapagkasunduan nila. Curerntly stop sa pag-aaral ito. That semester lang (2nd sem 08) si Sing tumigil sa pag-aaral. Ayun dito una itong nag-college sa MAPUA then nagtransfer sa AMA..
Ayon dito ay tamad itong mag-aral.. ngunit kahit ganon eh ramdam nyang matalino si Sing. May sense itong kausap.. Marami itong alam.. kahit anong topic eh may alam ito dahil nabasa na nito o napakinggan. minsan nga marami syang natututunan dito. Minsan magchchat sila ng 5 hours na diretso na kung ano-anu lang pinapagusapan gaya ng architectural design.. etc etc.. Minsan pa pag may pantawag sya eh dito sya tumatawag sa halip na kay Mistah…malawak din ang pang-unawa nito at parallel mag-isip na gaya nya.
Nang tumigil to sa pag-aaral ay bumalik na to sa probinsya nila. Sabi nito ay sa Manila din ito naghigh school at elementary kaya marami din silang napagkkwentuhan tungkol sa Manila gaya ng mga lugar.
Masaya sila lagi nagkkwentuhan.. Nagpapalitan ng insights sa mga bagay-bagay.. songs.. etc.. kahit ata ano.. pati previous relationships and life nila at family… Mas marami na nga tong alam sa kanya kesa kay Mistah..
Ang isang bagay lang na ayaw nya kay Sing eh gothic ito.. negative mag-isip.. Minsan pa parang kahit kay God eh wala itong galang.. Basta mahirap ipaliwanag though nararamdaman nyang mabuting tao ito.. hirap no di gumagalang sa Diyos pero mabait.. pano ba yun? ah basta ganun sya..
Bukod dun ay madalas din kaming magusap tungkol sa mga wirdong bagay.. mga bagay na hindi maaaliw na pagusapan ng mga pangkarinawang tao.. Hindi naman sa hindi kami normal pero mga di pangkaraniwang bagay na pede pag-usapan na kala mo walang kwenta.. ah basta mahirap ipaliwanag.. oh kita mo gulo no? pero sa kaguluhan naming dalawa ay pareho kaming nagkasundo.. nyahaha..
Dahil dyan, going back ay niligawan ko sya.. kasi para sakin ay free naman ako at walang pananagutan dahil nga passtime lang para sakin ang “kami ” ni Mistah.. pero ayaw nya.. though gusto narin daw nya ko.. pero yun tipo kasi na ang magiging relationship namin eh hindi passtime pag naging kami.. yun tipong pangseryosohan kaya parang pareho naming gustong siguraduhin muna ang mga sarili namin unlike nun kay Mistah at kay Kid na parang wala lang kaya walang dapat siguraduhin….
Dahil din dun ay madalas kong hindi matext si Mistah.. may point pa nga na 3 consecutive days ko ata syang hindi natext kahit pa tuloy pa rin ang text nya saken.. akala ko nga nun ay wala na kami dahil akala ko ay magigive up na sya nun hindi ko sya tntxt….
Dumating sa point na ngumingiti syang mag-isa pag magkausap sila sa phone.. na naeexcite syang makita ito pagbalik nitong Manila.. Na pinagbawalan nya si Sing mag-inom at magyosi.. na nagwoworry sya sa kanya.. na parang pag magkaPM sila ay solve na ang lahat.. at dahil nga sa emotic si Gurl eh umiiyak siya sa kanya pag minsan.. kakantahan naman nya si gurl through PM isesend nya ang lyrics ng song.. at may mga songs si Sing na sinesend na nun nya lang nalaman.. Minsan pa bago matulog ay kunwari iduduyan pa nya si Gurl.. basta mga nakakatuwa pero weird na bagay.. dumating sa point na gusto narin nyang lumuwas para magkita makita si girl..
15
Oct
Maraming dahilan kung bakit hindi niya mahal si Mistah..
1. Naniniwala syang hindi ito seryoso sa kanya dahil sa chatrrom lang sila nagkakilala kaya ayaw nyang pag-aralang mahalin to dahil baka masakatan lang ulit sya..
2. Wala silang time sa isa’t-isa so naiisip nya na hindi mag-wowork kahit magseryoso sila. Magkasalungat sila ng sched at kahit restday ay magkaiba.
3. Nararamdaman nyang iba ang gusto nya.. Ang nagugustuhan nga nya sa mga time na yun eh si Singkamas.. at may isa pa.. ang lihim nyang pag-ibig…na nabanggit na sa mga previous post dito..
After few days simula ng magmeet sila ni Mistah, Pm PM ulit sila. Till one time sabi ni Mistah, gusto mo tayo na? Sabay oo naman sya thinking na passtime lang nla yun. She never expected na seryosohan ang relasyon nila. Yung tipong sila lang sa loob ng chatworld pero outside eh pwedeng merong iba si Mistah o magkaron ng iba kasi sabi nga nito eh wala tong girlfriend at ganon din sya pwede rin syang magkaron ng boyfriend sa totoong buhay.. Dahil iniisip nyang ang pagiging “Sila” ni mistah ay sa chatroom lang. Iniisip nyang anytime madiscover nyang may gf to sa totoong buhay ay hindi dapat sya masaktan at ganun din ito dapat sa kanya kung sya ang magkaboyfriend. iniisip nyang kahit malaman nya na may iba pa tong girlfriend sa chatroom eh okay lang dahil passtime nga lang toh nothing serious… So then on.. yun ang akala nya at yun ang iniisip nyang nasa isip din ni Mistah.. Tuloy ang chat. tuloy ang PM although hindi sya tumatambay sa Tambayan 25 madalas sya eh sa tambayan 35 dahil kay Singkamas. Yun ang paborito nyang kachat.
Paminsan-minsan ay tumatawag sa kanya si Mistah pag may free call to at ganon din sya. Ngunit hindi nya ito binibigyan ng kahulugan. Minsan-minsan lang din sila kung mag-PM. kasi pang-umaga ang work nito at sya ay panggabi. Lalabas sya naka-in naman sa work si Mistah and vice versa. Kaya madalas Mag-PPM sya kay Mistah at pagreply nito ay tulog na sya, tapos ang reply na ulit nya ay pag tulog naman toh. Minsan nagkakasabay silang available na magchat pag umaga pag papasok ito sa work at break naman ni gurl.
So ganun sila palagi.. ganun ang buhay nila as “bf-gf”…dahil iniisip nyang ang chatroom/chatworld ay may sariling mundo.. parang isang pelikula o kwentong sila (chatters) lahat ang writer na exclusive lang pinapalabas sa chatroom at exclusive lang din sa chatters ang panonood.. paglabas mo ng room, balik ka na sa totoong buhay..
But then.. matutuklasan nyang hindi pala.. na ang chatroom pala ay isang buhay.. totoong buhay.. may totoong sakit at saya.. yun nga lang sa pagkakaintindi ng hindi chatters eh parang naglolokohan lang sila…matutuklasan din nya..
Sa kaparehong araw na nakilala nya si Kid ng T26 ay may mga nakilala rin syang iba pa na naging buddies din nya sa araw na yon, at isa na rito si Mistah ng T25.
“wc” ang bati sa kanya ng mga taga T25 nung pumasok sya dito..
Ang warm naman ng room na to sa loob loob nya.
Maya-maya merong nagtanong, san po ba dito yung BIR sa Makati?
At sumagot sya dahil alam nya kung san yun. At sinundan din nya ng tanong kung bakit, natuklasan nya ngayon na ang lalaking nagtanong ay nagtatrabaho din sa call center at kailangan kumpletuhin ang mga requirements nya dahil kakasimula pa lang nito sa trabaho.
Dahil dun ay nagkasundo sila dahil pareho silang sa call center nagtatrabaho. Naging buddies sila at nag PM.
Hanggang sa ilang araw ang nagdaan nagkasundo silang magkita. Early November 2008 ay nagkita sila sa Glorieta.. Restday nun ni Mistah at kakalabas pa lang ni girl sa work kaya medyo hagard pa sya. Pumunta pa dun si Mistah para lang makita sya galing pa to sa Caloocan.
Unlike kay Kid, hindi sila nagpalitan nito ng picture. Hiningi lang nila ang friendster account ng isat-isa. Kaya nung gabi bago makipagkita si gurl kay Mistah ay naglog in sya sa friendster. Sa kasamaang palad ay Private ang friendster account nito at hindi pa sila magfriends kaya primary pic lang nito ang nakita nya. Ngunit sa kasamaang palad pa ay hindi maaninag ang mukha nito dahil para lang itong anino sa picture. Naisip tuloy nya panget ata to bakit ayaw nitong ipakita ang mukha nya?
Pero go parin sya na makipagkita dito dahil friendly dating lang naman to para sa kanya. Besides she thinks there’s nothing wrong with that, in case naman na yayain sya nito sa ibang lugar eh hindi sya sasama at kung may car man to eh hindi sya sasakay, hindi naman siguro to kidnapper. At infairness, dahil sa friends si gurl at mama nya eh pinapaalam nya sa mama nya ang pakikipagkita nyang ito so legal to para sa kanya, hahaha. Siguro gusto lang ding magunwind or somehow gumawa ng mga bagong bagay na hindi niya ginagawa dati, diversion from work maybe o dahil para na rin makaganti sa nakaraan, basta parang rebelious ang pakiramdam nya sa sarili nya nung mga time na yun. Gusto nyang gumawa ng mga kakaibang bagay gaya ng chat, EB, online friends na dating ayaw nyang gawin. Mga bagay na iniisip nyang abnormal dati kasi sobrang tino pa nya dati, ngunit ngayon ay binago sya ng panahon at lahat ng sakit na napagdaanan, naisip nya, kung masama sila at mabait ako, hindi naman sa magpapakasama din ako pero subukan naman nating ibahin ang linya ng buhay natin…
Anyway, going back, ang lakas tuloy ng kaba nya.. lalo pa at tumatawag pa ito sa kanya para iconfirm kung tuloy ang pagkikita nila naisip tuloy nya na ang chaka siguro talaga nito.. dugu-dugug.. ang tunog ng puso nya..
At ang tagpuan nila ay sa internet cafe sa ayala MRT station. Sabi ni Mistah ay nakacolor white tshirt sya. So pagpunta nya dun 2 guy ang nakita nyang nakacolor white poloshirt, una nyang nilapitan yung isang guy na mas malapit sa pinto pero di sya nagsalita, nakiramdam lang sya, feeling nya eh hindi ito yun kasi mukha na tong 26 samantalang 21 lang yung guy .. so lumapit sya dun sa isa.. nakita nya sa monitor ng pc nito na picture nya at fs account nya ang tinitingnan nito, so ngayon lang nito viniew ang fs niya.. bongga, kasi pareho nila di nakikita ng isat-isa bago mag EB..
So nagsalita sya- ehem.. ikaw ba si Mistah? at ng lumingon ito.. bongga.. ang gwapoh.. ang cute.. pedeng artista ang mokong.. hahahaha nagulat sya dahil hindi nya ineexpect yun. naramdaman tuloy nya na panget sya kasi mukha ata syang panget pag katabi toh.. ahuhu..
Ngumiti ng matamis si guy.. at pinaupo sya sa katabi nito.. nagusap sila.. ngayun mo lang tiningnan ang account ko? sabi ni gurl.. Oo eh la time eh.. sabi ni guy.. Ayos ah, sabi ni girl, pareho nating di nakikita ang isat-isa talaga kahit sa picture before this..
At nagtanungan pa sila gaya ng kung bakit ganun ang mga nickname nila.. etc etc
Nagusap din sila tungkol sa mga computer applications at cellphone application lalo na mga portal para makaaccess sa internet for free through cp.. etc.. maya-maya ay nagyayang kumain si guy.. so syempre gutom na si girl kaya go lang..
Kumain sila sa foodcourt sa glorieta.. at dun ay mas nagkwentuhan pa sila tulad nga school life, career.. pangarap.. family.. etc etc..
Okay naman sila pareho hindi sila naboring sa isat-isa.. ng matapos kumain nagyayang gumala sa mall si guy.. so naglakad sila habang nagkkwentuhan.. hanggang sa makarating sila sa greenbelt at doon ay naupo sila sa tapat ng lagoon..
Kwentuhan to the max ulit sila.. hanggang sa nagtanungan sila about sa previous relationships nila.. gf/bf.. ang daldal ni guy.. mas makwento sya kesa kay girl.. nagkwento ito nang magkwento.. kung bakit sila nagbreak ng simula sa una hanggang sa pangsiyam nitong gf.. kung gano nya hindi sinoryoso yung una at kung gano nya iniyakan yung pangsiyam.. kung pano nya hinabol yung iba at kung panong sya ang nag-iwan dun sa iba.. si girl naman since magkatabi sila natutuwa syang masdan ang napakaganda nitong mata, ito ata ang asset nito sa loob-loob nya.. para bang kung galit ka dito at tingnan ka nito ng nakangiti ay mawawala lahat ng galit mo.. ito na ata ang pinakamagandang mata na nakita nya sa buong buhay nya.. ang lips naman okay lang at ang nose.. medyo payat pala to napansin nya.. madalas nasideview to, madalang silang magharap nito pag naguusap, parang nakatingin to sa malayo habang nagkkwento na parang inaalalang mabuti ang nakaraan nya, minsang-minsan sumusulyap to sa kanya. Ganun din si girl pag sya ang nagkkwento dito..
Wala naman syang nararamdaman kaplastikan dito kaya go lang.. at ng medyo 2PM na ay nagpasya na silang maghiwalay dahil may pasok pa si girl sa gabi at kailangn pa nitong magpahinga.. inihatid sya nito hanggang sakayan..
PM PM ulit.. kinilig si girl dahil ang gwapo nito.. pero kilig na wala pang crush, basta kumbaga nagwapuhan lang sya..
…..
I don’t know how to start, but damn I just need diversion so I can release the stress, the pain that im keepin for the past 8 months…
It all started last year (same month, maybe last week of the month):
My isang girl na maagang nagising, madaling araw pa siguro mga 3:00AM, at dahil sa wala pa syang makausap, nagbasa nalang sya ng mga text nya na natanggap nya habang natutulog pa sya.
Isa sa mga text na yun ang pumukaw ng kanyang pansin: You are invited to join Uzzap… etc etc (that she can no longer exactly remember).. So dahil wala syang magawa inistall nya yun..
Installing..
Connecting…
Authenticating..
Initializing…
Ayan.. after ng ilang information na tinatanong sa kanya nung application, successfully installed na yun sa CP nya..
Nung una hindi pa nya alam kung pano gamitin ng wasto yun, pero dahil curious sya nagnavigate ng nagnavigate lang sya…
hanggang…
Ayun, nakapasok sya sa isang room… T35 o Tambayan 35..
Nawindang sya dahil hindi nya maintindihan ang mga salita ng tao dito.. kaya nagtanong sya kung ano bang sinasabi nila.. sabi nya “ano op ba meaning ng wc?” may sumagot “wc=welcome”
Oh.. yun pala yun.. at marami pa syang natutunan na ang iba ay alam na nya..:
wb = welcome back (sinasabi yan pag regular ka ng nagvivisit sa isang room at may mga nakakakilala na sayo dun
gtg = got to go (as you all know)
brb = be right back
lol = laughing out loud
wiz/bulong = pag may nagpost ng message na ikaw lang nakakabasa o lahat ng intended recipients
pr = private room, mga invited lang ang nakakapunta dito
pm = private messaging, kayong dalawa lang ng kung sino mang buddy mo ang nakakabasa ng message
gm = group message
ham/hamtot/hamfufu = naghahang ng cp mo at di mo mabasa mga post
flood/plad = pag may walang magawang epal na nagpopost ng kung anu-anong walang kwentang message na nagiging dahilan para di nyo na mabasa ang importanteng post…
nick = gamit na pangalan sa room
asl = address, sex, location
exchange pix – palitan ng picture ng kachat mo through MMS
At marame pang ibang kailangan mong malaman para makarelate ka sa mga ginagawa o pinapagusapan sa isang room….
Going back….
Sabi nya “ano po buh language o dialect ang gmt nu d q maintndhan, tagalog lang po ang alam ko”
May sumagot “napasok ka sa room ng mga bisdak means bisaya..”
Wah.. kaya naman pala.. pero meron ding ilang mabait na nagtagalog para may makausap sya..
Isa sa mga ito ang si Singkamas, yun ang isa sa pumukaw ng pansin nya kasi kakaiba ang nick nito ..
Ang dami dami nilang napagusapan sa maigsing panahon, palitan ng asl, kumustahan kung anong meron sa kani-kanilang lugar, school o trabaho, etc,.. pati mga likes ang dislikes..
At nakasundo nya si Singkamas/Singk…
Ngunit mayamaya sabi ni Sing eh tutulog na sya dahil magdamag na sya nagchachat.. nalungkot sya dahil eto ang pinakagusto nyang kausap.. sabi nya kelan ka ba maglolog in ulit.. sabi ni Sing pabalik balik naman ako eh PM mo lang ako maglolog ako.. sabi nya ok thanks.. buti aman kasi pag may work na ko makakapaglog lang ako pagkaawt ko sa work..At nagpaalam na si Singk..
At dahil wala na syang makausap, nakipagchat sya sa ibang nandun pa…. ang saya nya,,, sa unang pagkakataon ay nalibang sya (matapos ang madugo nyang broke up with her first bf).
Nandyan yung may bagong dadating sa room at sasabihan ng “wc” o “wb”.. anjan yung sasabihin na gusto mo join samin piringan ka muna,,, padol padol.. wag tamaan ang mata… itali yan.. kuryentehen.. etc etc.. lahat ng parang walang kwentang bagay na para sa kanila ay nakakapagpasaya at nakakapagpalimot sa problema at kungkot…
Maya-maya puro bisaya na naman ang salita nila kaya nagdecide sya lumipat ibang room…Naisip nya T25 para madali nya matandaan minus 10 lang from T35.. mamaya pumasok din sya sa 26… Sa t26 may nakilala sya, “Mark ang nick nito o Kid”..
In-add sya nito sa buddy list at nagchat sila.. mamaya sabi ni Kid tayo na ba? sabi nya “Oo ba”..
Alam naman nyang nakikipagbiruan lang ito at balewala lang sa kanya kung seryoso man ito oh hindi.. Kasi simula ng masaktan sya sa first BF nya tinatak nya sa isip na hindi na sya maiinlove sa kasunod na BF nya.. kundi ito ang dapat mainlove sa kanya at kung pede ito ang sasaktan nya.. oh kung hindi man eh di pareho na di nila mahal ang isat isa.. sa madaling salita ayaw na nyang maniwala pa sa pag-ibig.. dahil nasasaktan lang sya,, atleast kung walang pagmamahal kahit iwanan sya anytime walang sakit…
Then after few days ng pag PPM.. mas nakilala nila ang isat-isa,.. palitan ng personal info.. etc.. nagdecide sila magkita.. so go parin sya.. bakit di aman sya panget at nagpalitan narin sila ng picture through MMS at friendster account.. isa pa.. since ang meeting place nila eh sa isang kilalang mall, dahil sa ngayon palang nya makikita ang lalaking ito, di naman sya kaladkarin kaya hindi sya sasama kung yayain sya nito sa ibang place outside meeting place..
So set na ang date.. pero after that day na magusap sila hindi na sila ulit nagPM..3 days maybe.. wala din syang pakialam kasi hindi rin sya seryoso eh.. ng biglang 1 time nagPM si Kid,.. kumusta? sabi nya, oh bakit? tuloy pa ba yung EB? sabi nya hindi na.. sabi nya ok.. sabi ni Kid break na tayo okay lang sayo.. sabi nya Okay alam ko naman hindi ka seryoso eh, chat is for fun..” sabi ni Kid, good so hind na tayo ah.. so okay na yun.. di ba tama sya no hurt feelings…
…………………..
Sa Araw na toh,,, ang paggising ko sa isang panibagong umaga..might be a sad one.. but atleast away from pain.
Ngayon ang start ng araw ng paglaya ko.. sa isang pag-ibig na pinaglaban ko sa isang panaginip na kelan man ay hindi ko pala talaga maaring marating sa katotohanan.. ngayon ang bagong simula…ng totoong buhay.. sa mundo na ang lahat ay totoo at walan mga imahinasyong nilalang…ang buhay nga naman oo.. minsan nakakabaliw..
30
Sep
00:20 – “september” ended…hmmm..
00:28 – Ui..k2tpz q lng mlgo. Cnxa
restday nun ofzm8 q n my
alam nun number nung 1
qng ofzm8 n t2nungen q.
bkas p blik nun.w8 bhz lng
aq mlel8 n q sliptyt.
00:32 – go lng,..aq k2uwi q plng,.
ngpractiz intrview pla kmi
knna..ok nmn..nsurprised
un trainor nmin kc d nmn
nga q pla slita dun!.hehe
uy “september” ended n..
wake up n?..hehe..
00:35 – Oh kmzta nmn? ok dw b sgot
u?gud 4 u..yah itz nded n i
hop ol d pain wud end 2,i
hope it wud b dat ez 2 end
up evrytin..haizt..ui la n q
xtra,.hehe,nyt2 muah
00:44 – ok nmn dw pero sbi q
sobrang ninenerbyos aq..d
dw obvious..hehe..geh go
kn s trbho mo miss EMO!.. an
pggcng d minamadali..kusa
kn lng mggcng..pwera nlng
qng ‘dedz’ kn..la k ng
pgAsang mgcng!.2log nq
p0wer..:P
00:47 – Tnx.il rmember n concder
evrytin dat u sed.tnx 4 d
cncern,.bkt kc my bgy n huli
n kng dmtng.mdli ang
pgcng,mhrap lang 2parin ang
lht ng npnginipan mo
gudnyt.
00:55 – itz not bout ur drim (or beter
2 say ur swit nytmare)..itz
bout wakin up in a new
day..a new day dat cn b a
good or bad..it dpendz
on u..september ended..but
ur septmbr isnt yet ended
wen wil dat b?..las load n 2
pOwer!..nyt2..
Bakit may mga bagay na masyado ng late kung mangyare..
May mga bagay na matagal mo ng hinintay at kung kelan tnatanggap mo ng hindi na sya mangyayari, napagod ka ng maghintay at may iba ka ng layunin.. saka naman sya dumadating.
“Basta ako, hihintayin nalang kita, sana bilisan mo”…. Yan ang sabi nya sakin kamakalawa…
Haist.. kung dati mo pa yun sinabi, nung mga panahong puyat na puyat ako sa pagpasok ko sa trabaho para lang madalaw ka sa malayo mong school na pareho nating pinangmulan, nung mga panahon na ikaw nalang ang naiisip ko, nung mga panaon na halos gawin ko lahat mapansin mo lang ako, at higit sa lahat ung mga panahong MALAYA PA AKO…
Pero bakit ngayon, kung kelan natanggap ko na.. na hindi na pedeng maging tayo, kung kelan nagmahal na ko ng iba, kung kelan binigay ko na ang puso ko sa iba, kung kelan wala na “ako”, ang dating delta na nakilala mo ay iba na.. bakit saka ka babalik.. at saka mo sasabihin yun.. ang sakit eh, ang hirap.. naaawa ako sayo.. at sa sarili ko.. at sa kanya.. hindi ko alam….
Akala ko hindi na kita mahal.. pero nung sinabi mo yun saka ko lang nalaman na mahal pa pala kita.. na hindi pala kita kyang kalimutan sa kabila ng lahat ng mga nanyari sa panahong hidi tayo nagkita.. bakit ngyon lang.. 3 taon kong hinintay na sabihin mo yun.. tatlong taon na nireserve ko ang puso ko.. at kung kelan tanggap ko ng magkaibigan lang tayo, saka parang nagstart ka…
Nahihirapan ako dahil nung una palang nararamdaman ko na ang special treatment mo sakin.. na masarap ang feeling na magkasama tayo.. pero hindi na tayo nagmove on sa ganon hanggang sa loob ng higit tatlonng taon eh naconclude ko na special friend mo lang talaga ako kaya ganon ang treatment mo sakin… hndi mo naman ako masisisisi kung ganon ang inisip ko di ba.. dahil sa kabila ng lahat ng paramdam ko, parang balewala lang sayo….
Ngayon naaawa ako sayo.. dahil alam kong sinasaktan kita dahil meron na ko.. pero ginusto ko ba to? naaawa ako sa kanya dahil kami na, mahal ko sya pero mahal parin PALA kita (PERO KONTI NALANG KONTING-KONTI NALANG).. at naawa ako saten dahil ang “tayo” ay parang hindi na manyayare… ang matagal ko (natin pala) na pangarap ay malabo na..dahil hindi na ito ang pangarap ko ngayon..bakit ngayon pa.. bakit ngyon lang..
Ipagtatapat ko na sana sayo to nung bday mo last december na ikaw ang mahal ko.. pero nawalan ako ng lakas ng loob, dahil sa pang-iignore mo sa pagpaparamdam ko… pero yun pala gusto mo rin ako.. bakit ba ganito..
“Wake me up, when September ends…”
“Basta tapusin mo na ang mga dapat mong tapusin ngayon September ha, ay bukas na pala yun,”
“Ngayung September ha, hindi September next year”..
“Ang saktan mo yung mga taong dapat saktan”
“Basta ha, September gigisingin kita”..
— yan ang mga di ko makakalimutang sinabi nya saken..
Bakit ngayun lang,,, eh August last year ko pa hiihintay na sabihin mo yan..
Sabi ko nga, bakit pabalik-balik ka pa.. bakit ganyan ka.. lagi mo kong sinasaktan eh. at one point parang ipaparamdam mo na mahal mo ko and then on ipaparamdam mo na hindi, na parang ganon mo lang ako itreat kasi special friend mo ko.. ang hirap eh.. lage akong umaasa noon pa… lage akong nadidisapoint kaya nagpasya narin ako na ibaling ang tingin ko sa iba.. para di na ko umaasa… sabi ko nga, “When I found myself beside you, I found myself alone…” Im so alone.. I have nothing… pinaparamdam mo saken na magisa ako pag magkasama tayo. Oo masaya tayo as friends, but as lovers I always feel that Im alone in love with you and not you to me at ang sakit.. kaya kailangan ko na itigil yun at bumaling sa iba..hindi mo ba alam puro sayo yung mga patama ko nun sa shout out ko sa fs pati yung message ko dun at yung pics..haist..til now yun paring message na yun ang nakapost dun kasi di pa ko nakakamove on sa feeling kahit isang taon na atang nandun yun di ko inaupdate..
Tama na…
Kahit lagi pa nya ko sinasaktan, sya lang din ang nagparamdam sakin na importante ako, na kailangan nya ko, na naaapreciate nya ang mga ginagawa ko… eh ikaw.. hindi mo pinaramdam yun eh.. pinaramdam mo lang na magkaibigan tayo (pag magkasama tayo) pero pag magkalayo tayo galit-galit na.. natiis mo nga ko nun 2 years hindi itext eh.. ang sakit kaya.. kaya pumasok narin sa isip kong wala kang pagtingin sakin. Kasi kahit ikatwiran mong ganun kalang talaga hindi palatext sa mga kaibigan..(so yun pala eh kaibigan lang talaga ko sayo kaya ganun karin saken) kasi kung hindi, kahit pa tamad kang magtext, mamimiss mo ko, kukumustahin mo ko kahit isang text lang sa isang linggo, isang buwan.. eh hindi eh 2 taon mo kong nakalimutan… tapos ngayon ineexpect mong madali lang ang lahat? NASAN KA NUNG TIME NA KAILANGAN KITA… wala… wala.. so im sorry… im taken.. im all wasted… im no longer deserving for you, and so as you to me… i can no longer be Your Power, but i can still be Power as how I used to be.. kung talagang tayo… magkikita tayo sa finals..
7
Sep
Naginternet ako kahapon sa isang computershop sa washington. Wala kasi akong magawa.. Hindi parin ako makauwi samen sa province jahit restday ko.. kasi isa lang ang restday ko for this week kasi ngswap ako dahil nga sa mga nakaraang practice namin for cheering.
Dahil dyan, nakasanayan ko ng nakalog in sa YM habang gumagamit ng PC kahit hindi ako magchachat.. ammaya biglang mag ng pop up na message.
Galing sa mama ni Thunder. “Ciao” ang sabi nya.. yun ang mahilig nyang banggitin.. nagkakwentuhan kami ng kung ano-au.. by the way nasa Italy kasi sya.. Going back tot he topic, nakwento nya saken na baka daw matuloy na si JL sa Cebu next week.. hai.. although matagal ng plano yun, medyo nawindang parin ako nung time na yun, kasi matagal ng hindi napapagusapan yun. Isa pa, ang current na plano eh kumuha muna ng lisensya si JL para maging cerified Aircraft Mechanic sya tapos biglang ganon..
Ewan ko ba.. OA lang siguro ako .. as how my friends and I describe myself, i’m an emo.. “inside”.. basta ang dami-daming pumasok sa isip ko.. mga bagay ng maaaring mangyari…na mga nangyari na dati..
Hay.. bigla-bigla ang bumalik sa isip ko ang mga nakaraan.. ang mga napagdaanan namin.. ang sakit, ang saya.. ang lungkot, lahat ng away.. lahat ng confusion.. lahat ng risk.. ewan ba bakit ganito.. pero sa dami ng bagay na yun.. handa na ata ako sa kung ano mang pede pang mangyari.. sa kung ano man ang kahinatnan… ksi parang naprogram ko na ang sarili ko na pedeng mangyari ang higit pa sa nakaraan.. nasomeday darating kami sa ganun.. I might be negative.. pero mas mabuti na yung nagseset ako ng negative na bagay, para pag nanyare.. eh di nanyare.. kesa magset ako ng positive at madidisapoint lang ako di ba.
Naalala ko nga rin bigla nung mga time na hindi ako pinapansin ng mama nya eh.. tapos nun time na nagbreak kami for 2 weeks after nun bigla nalang clsoe na kami.. okay na kami.. kaso nabaligtad.. yun naman closeness nila ng mama ko ang nawala.. close na close na sila dati eh… tapos all of a sudden galit na si mama sa kanya.. hai..
Bakit ba kasi late kami nagkakilala…. kasi hanggang ngayon hindi namin matakasan ang mga nakaraan..
Sa post na toh.. I still feel sorry for Gadwin.. for Glimpse go on fuckin’ dyan ka masaya eh.. to Midez im sorry din … anyway mukha mang real name yang mga yan pero hindi naman yan ang real name nila eh.. matahimik na sana tayong lahat
7
Sep
Eventhough medyo late na, but still I would like to post it, kumain kami nun minsan sa GoodEarth bayun? basta limot ko na.. basta Eat all yu can ang rule…
Dahil jan.. umorder kami.. marame.. 8 order agad ng siomai.. at hindi pa dumadating ang iba naming order eh ubos na namin yun.. kaya ng dumating ang main dish namin,,, sige kain lng
Pero..
Bago yan..
Nagorder ako ng seafood shomein.. tama ba spelling ko? ay basta yun na yun. Ng inorder ko yun, sabi ni Jamie(tama ba spelling) naku marami yan, sabi ko ganon.. sabi ni Nicey okay lang yan share kami, sabi ko share share nalang tayo at tsaka nlang tayo umorder ng iba..
So.. dumating na ang order namin
May pancit akong nakit, napaisip ako, sino kaya ang umorder ng pancit na toh, wala naman akong natandaan na may umorder ng pancit, sabi ko pa, asan na yung seafood ko bakit hindi dumadating, wala naman atang nakarinig, so sige kain lang..
Naubos ko ang 2 rice ko at ang iba pa namaing inorder, natitira yung pancit. Sabi ni Jamie, delta kainin mo na yang order mo, sabi ko alin, sabi nya yang pancit oh..
Huwat… so yung shomein pala eh yung pancit,,sabi ko malay ko bang pancit pala yun. Sabi ni Jamie, cenxa nakalimutan kong sabihin pancit yan.. Sabi ko patay ang bigat nyan sa tyan, akala ko ulam sya na seafood kaya okay lang kahit marame pede papakin at di nakakasawa. Sabi ko Nicey, tulungan mo ko, sabi nya ayoko di ko rin alam seafood pala yan
Buti nalang medyo “MEDYO” kumuha si Tiara sa pancit kaya medyo nabawasan.. But oh dear.. naiyak talaga ko.. Nun ko naranasang maluha.. sa CR ako naluha.. pinipigil ko yun sa labas.. at naisuka ko pa yung iba kong kinain..
Sa liit ba naman ng tyan ko san ko ilalagay pa yun.. ahuhu talaga.. nun lang ako kumain ng ganon kalungkot ang pakiramdam.. bigla kong naalala yung mga panahon na wla kaming makain.. na tanghali na hindi pa kami nagaagahan.. ahuhu.. pero ngyon.. eto ang masasarap at medyo may kamahalang pagkain (para saken ewan ko sayo) pero hindi ko sya maubos.
I dont think na katakawan yun. kasi hindi ko naman alam na pancit yun. eh. Kung alam kong pancit di hindi ko sya inorder..
Lesson: Tanungin muna kung ano ba yung inoorder o kung hindi ka pamilyar para sigurado kang kinakain mo pala at gusto mo pala yun.
Dahil dyan.. napilitan akong ubusin lahat dahil kung hindi magmumulta ako ng doble sa binayad ko.. ahuhu…HINDI NA PO AKO MAUULIT.

My Personal Site
Friendster